So last year may mga nangyari sa aking kamalasan, nagwork na ako sa isang telecommunication company before, mabait mga tao, mga professional kumilos and lahat sila jolly kausap, huling week ng August dun na ako nakaramdam ng sakit ng gums for two or three days pumapasok pa ako at napapansin na rin ng ibang mga ka-officemate ko na humihina ako kumain and lagi na lang akong tahimik, even one of our supervisor nakapansin na sa pamamaga ng aking lips (actually pa-akyat na ang maga sa ilong ko, hindi na nga pantay mukha ko nun). Nagugutom ako pero hindi ako makanguya, hindi rin ako makapagsalita pero hindi rin ako makaiyak, kahit anong pain killer sa akin hindi rin tumalab or antibiotic until sininat na ako, so nag-decide na ako umuwi, thanks kay mr. Angelo sinamahan niya ako sa clinic nun, pero pauwi wala na akong kasama, nahilo na ako sa biyahe ko nun pauwi at ramdam ko ang sakit plus gutom na gutom pa ako pero hindi ako makakain.
Nagulat mama ko nung paguwi ko, ang putla ko na at tulala na ako nun, kinakausap niya ako, pero hindi na ako makapagsalita, until I break down, so pumunta kami sa dentist at doon nakita sa x-ray ang namuong "nana" pero sabi ng doctor nakita na rin thru gums habang tinataas niya ang lips ko at ang sakit sobra, so niresetahan niya ako ng mga high dosage na gamot dahil infected na daw sobra.
After a week bumalik ako and then nagstart na ang procedure, pero patuloy pa rin ang pag intake ko sa mga gamot.

Eto yung pinapantusok sa akin, para lumabas ang "nana" at 3 ipin ang tinutusok sa akin, kelangan luminis pero bago yung anesthesia muna, hindi ko mabilang ang tusok ng anesthesia pero ang alam ko lang masakit at madalas lagi akong napapasigaw at napapaluha, minsan natatabig ko pa ang doctor ko, pero kahit may anesthesia ramdam ko pa din ang pagtusok at paglabas pasok ng file. Ang sinasabi lang sa akin ng doctor ko is:
"alam kong masakit, pero tiis lang,hingang malalim"
paulit-ulit niyang sinasabi. For two months ginagawa niya sa akin yan, after 2 to 3 days, minsan ayoko na ngang bumalik.

Sample pics na nakuha ko sa net, pero ganyan din yung itsura nung sa akin.

eto yung itsura ng teeth ko nung tinanggal ang crown at binutasan for root canal.

removing of my crown.

Kalagitnaan ng November 2011, natapos ang procedure but before that kelangan ko pa magsuot ng prosthetic for ilang weeks, I can't eat right, ang pain every night naramdaman ko, hindi na tumatalab sa akin ang pain killer na binigay nila, but ayaw na nila ako bigyan pa ng bago baka ikasira na ng aking kidney. But in the end, nagdecide na lang ako ipabunot yung mga infected na ipin pero ilang weeks din ako nagantay para magsara ang sugat, kase hindi nila pede gawin sa akin ang huling procedure na open wound pa, baka magkaroon lang ng problem. After that niresetahan ulit nila ako ng vitamins, and toothpaste sensodyne sa teeth ko, pepsodent sa gums ko, oral care ang mouthwash.
Pero worth it, kase ngayon nakakain na ako ng mabuti at medyo nakakarecover na rin ang katawan ko, dahil bumagsak ang katawan ko nun, at laging mainit ang ulo ko dahil na rin siguro sa pasulpot-sulpot na kirot. Actually upper jaw pa lang yan, yung lower jaw maybe this year ko din pagawa, pero this time patutulugin na nila ako, kase kung tama pagkakaintindi ko bubukahin nila ang jaw ko, the lower part. Pero hindi pa ako handa, bukod sa laki ng gastos at mga days na mawawala nanaman sa akin ay nakakapanghinayang kaya saka na pag-ready na ulit ako, Enjoy ko muna ang mga pagkain na masarap hehehe.