This is my first blog for the year 2012 and wanna say thank you sa mga biyaya na binigay mo po sa akin.
1. tinupad niyo po ang hiling ko na makalis na ang aking kuya papuntang ibang bansa
2. maging payapa ang pag-iisip ng aking ina.
3. magkaroon ako ng magandang buhay.
Sa ika-3 ko pa lang kahilingan humihingi na ako ng pasasalamat, dahil una after po ng mga trials na binigay niyo sa akin last year nakakuha ako ng magandang work sa isang kilalang company sa buong mundo and above all I didn't expect it na above minimum po ang aking sasahurin. Second nakilala ko ang aking lolo at ngayon tinutulungan niya ako sa isang bagay na hindi ko po alam kung kakayanin ko (regarding po ito sa isang company). Ang balak ko lang naman po sana ay magkaroon ng maliit na negosyo. Pero binigyan niyo pa po ako ng sobra pa po doon. I'm not worthy to receive a grace from You pero binigay niyo po lahat. Kahit pagod ako palagi hindi ko po kayo makakalimutan pangako ko po sa inyo yan.
Last 2011, nung nagkasakit ako at nawala pati work ko, para po ako nawalan ng pag-asa, pero lagi lang po ako pinapalakas ang loob ko ng aking ina. Bukod pa po doon may pinagdaanan din po ng mabigat ang aking pamilya, pero ngayon alam ko na kung bakit niyo po binigay sa akin ganun ang mga trials po na yun, at sa ngayon po ako po ay nagpapasalamt sa lahat. Hindi naman po ako humihiling na makalibot sa ibang bansa, o kumita ng milyon, ang gusto ko lang ay isang mapayapang buhay kasama ang aking mga magulang at mga kapatid. Pero kayo po ang may hawak ng buhay ko, kaya sa inyo ko po ipapaubaya ang lahat. Muli nagpapasalamat po ulit ako sa inyo. Tired but I'm happy.
Thank you GOD. :)