Disyembre 01, 2011

Hello :]

hello december and welcome 2012 :]

Nobyembre 22, 2011

Eh tinatamad ako.

Tinatamad ako magupload ng ibang pics sa fb saka sa gplus, malalaki kase ang files kung iresize ko naman ampanget nawawala yung quality, basta ampanget pag niresize, kaya di na lang ako nagupload, much better that way na lang, hihihi. :]

The Black and White Show




Kudos to renzie, "black and white"

Nobyembre 10, 2011

I love the pizza

Thumbs up!
Sarap ng pizza nila, lambot pa, and ang bait ni kuya "bouncer".



Thanks

lovely flower ^^

thanks sa nagbigay ng flower

Nobyembre 08, 2011

Strawberry Bad Badtz

New bad badtz maru
Cute strawberry hoodie ni bad badtz

Two days na puyutan

Grabe two days akong puyat at late ng umuwi at two days ding nasa galaan. -_-

2nd night na nasa galaan nakapambahay lang, so I wear a big jacket na lang, no bra eh.

Me and Renz

1st night na nasa galaan
Me, Janzen,Marlon and Jb

Gusto ko naman matulog ng maaga, hahaha well masaya naman ako kapag kasama ko sila.

Nobyembre 01, 2011

Good to be back

At last, I can view my blog, but what the hell is the character encoding, confirmation for what?

Well, i really don't care na lang as long my blog site is fine. Thank you blogger sana magtuloy-tuloy na. :]

- Happy -

Oktubre 28, 2011

Simple Sinigang

Third menu from my mom's recipe.




Ingredients:
pork [babaran ng salt and then after nun hugasan]
kamatis
sibuyas
okra
okra
sigarilyas
kangkong
gabi
knorr sinigang mix
pork cube

Procedures:

1] magsalang ng tubig tapos pakuluan yung pork [kapag nakakita ng bula sa pinakukuluan alisin]
2] after kumulo isunod na ang gabi, kamatis,sibuyas, tapos takpan muna
3] isunod ang okra - takpan muna ulit
4] isunod ang sigarilyas
5] isunod ang kangkong, knorr mix and pork cube - takpan muna ng 1-2 mins



Oktubre 23, 2011

Afritada

Ang panaglawang luto na ipinaluto sa akin ng mama ko, hirap nga lang magbalat ng potato.
Pero worth it, nasarapan naman sila.



Ingredients:
tomato sauce
garlic
onion
pork [paslide yung hiwa]
tomato
pepper [paslide din yung hiwa]
potato [paslide din ang cut]

Procedure:
1] igisa ang garlic,onions,tomato and pepper
2] isunod ang pork, lagyan ng konting salt [depende sa dami ng niluto]
3] lagyan ng suka, then takpan muna
4] check kung malabot na yung pork then isunod na ang potato, then lagyan ng tubig
[ again ang paglagay ng tubig ay depende sa dami ng niluto - yung potato yung iba piniprito muna nila pero sa ginawa ko sinahog ko na kagad - depende pa rin sa nagluto yun]
5] ilagay na yung tomato sauce [again depende pa din sa dami ng niluto ang sauce]
the takpan munaa
6] after ng 2-3 minutes lagyan ng seasong kahit magic sarap lang
7] haluin then lagyan ng asukal [ again depende sa sa dami ng niluto ang paglagay ng asukal]
8] haluin then ready to serve na

Puro depende hehehe actually yes depende sa dami talaga ng niluto, tantihan lang, saka yung paglagay ng asukal sa niluto ko, panimbang lang ng lasa.

Ano kaya next menu?

May nakalimutan pa ba akong procedure, etong blogger ko, parang online journal ko na din.

Oktubre 21, 2011

Pork-Tofu with Black Beans

Dahil makakalimutin ako at from time to time naman nag-open ako ng blog ko dito ko na lang ilalagay yung tinuro sa akin ni mama na ulam.


Ingredients:

pork
tofu
black beans
celery
onions
garlic
tomatoes
ginger

Procedures:
1. Hiwain yung pork - maliit lang dapat hiwa
2. Same sa ginger,onions,garlic,tomatoes
3. Fried the tofu - after nun hiwain siya ng pahaba [mali hiwa ko sa picture]
4. Igisa yung garlic and ginger [until magkulay brown]
5. Isunod na yung onions,tomatoes,black beans and pork
6. Lagyan ng konting vinegar tapos takpan muna until lumambot yung pork
7.Lagyan ng konting tubig para maging sarsa
8. Kapag malambot na yung pork, ilagay na yung tofu
9. Lagyan ng asukal [ depende sa dami ng niluto ang ilalagay na asukal ]
10. Then ilagay yung celery [ sa pics ko walang celery - walang nabili ]

May nakalimutan pa ba ako? Bukas kaya anong menu? Thanks sa mom ko na nagturo sa akin.

Love Songs


Bakit ako nakikinig ng mga love songs?
I'm not in love, pero nakikinig ako ng love songs.

Siguro happy lang ako ngayon.
Thank you GOD.


Oktubre 20, 2011

The beauty of TRIALS

October 19, 2011 - 5:45 pm
orange sky

GOD is amazing such a nice art.

Shadow ng window ko.

Madami na akong pinagdaanang problema, madami na akong pinagdaanang sakit [physically and emotionally], madami na rin nanira na tao sa akin, madami na rin nanloko, madami na akong luha na sinayang, pero pag nakakakita ako ng ganitong kagandang scene isa lang masabi ko:

"Thank you GOD, sa lahat ng trials -kung walang trials sa buhay ko, di makulay ang mundo ko ngayon."

Kung walang trials ang mga tao, di nila mapapansin kung gaano ka-kulay ang mundo. Be tough, be thankful sa lahat ng bagay and be proud, hindi ka bibigyan ni GOD ng problem kung hindi mo kaya.


Oktubre 18, 2011

Just wait

Kung mahal niya ako talaga mag-antay siya, hayaan niya muna akong gamutin yung nakaraan ko. Well educated siya kaya maunawaan niya ako. I know he can.

Oktubre 17, 2011

Forget the past


Tama sinabi ng ex-bf ko na si AJ, I should get rid James, and now it's the time, and thanks na din sa kanya dahil tinulungan niya ako sa lahat, but wala na talaga akong feelings sa kanya, kailangan ko na siyang kalimutan, sinabi niya magkaibigan but still may gusto pa rin siya sa akin, and all the stuff na ginagawa niya is para mahulog loob ko sa kanya, never ako ma-fall sa trap niya, biggest mistake ko siya, biggest failure, my dark nightmare, akala ko ok lang sa kanya maging magkaibigan, but not, gusto niya ako for his own desire that's why tinutulungan niya ako, nakakalambot ng puso mga ginagawa niya sa akin, but wala na talaga akong feelings para sa kanya as in wala na.

Yeah I feel numb after all, about kay AJ, I don't know if I love him pa rin, nakalimutan ko na mukha niya, even his voice, his touch and his scent, isa lang ang gusto ko kay AJ ang makita ko siya para masabi ko kung mahal ko pa ba siya or hindi.

Right now ang nalala ko na lang na mukha at laging nakatatak sa isipan ko mukha ng kaibigan ko, habang ginagawa ko etong blog ko siya nasa isip ko. Funny isn't it?

I wanna see AJ, touch his face, at tignan ko ng mabuti mukha niya dahil nabubura na siya sa alaala ko, wanna smell his scent again, kung may isang tao man siguro akong ayokong kalimutan si AJ yun, but this time nawawala na lahat ng alaala niya. Wanna see his face once more.

Oktubre 12, 2011

Real Steel

Zeus vs Atom

Grabe di ako maka get-over ganda ng real steel,
parang transformers lang.

[ sana siya kasama ko manood dito, hays ]

Wednesday

Kelangan ko na i-enjoy etong Wednesday na eto, tomorrow manghina na ako at sa mga sususnod na araw, after ng 3 to 4 days balik doctor ulit, it's nice na alam mong matatapos na lahat paghihirap mo, bakit ganun GOD, bakit ang swerte ko?

Parang hindi ako deserving sa mga blessing na binibigay niyo po sa akin. Hindi pa ako magaling may mga nakaabang na sa aking mga work. GOD, lahat ng lakas ko sa inyo nanggaling.
Thank you GOD sa lahat.

Yan na nga ba sinasabi ko eh

Kapag nawala na ang pusa, andiyan na ang mga daga nagbabantay. Hays.

Oktubre 11, 2011

Thank you so much :]

God thank you po sa lahat ng mga blessing.

"throw your soul every open door
count your blessings to find what you look for
turn my sorrow into treasure gold
you pay me back in kind and reap what you sow"
- rolling in the deep -

Oktubre 10, 2011

Music

If music be the food of love, play on.

- William Shakespeare -

White Lights

- Heart of Buddha -

Just as treasures are uncovered from the earth, so virtue appears from good deeds, and wisdom appears from a pure and peaceful mind. To walk safely through the maze of human life, one needs the light of wisdom and the guidance of virtue.

GOD is with me

Trust GOD

GOD allows us to experience the low points of life in order to teach us lessons we could not learn in any other way.
The way we learn those lessons is not to deny the feelings but to find the meanings underlying them.

Moon on my window

October 3, 2011

I'm standing on the moon,
with nothing left to do,
with a lonely view of heaven,
but i'd rather be with you <3

Oktubre 08, 2011

My Penguin ❤

Like a soulmate
He's my penguin
Maybe it's fate

I love you Bad Badtz Maru, kaw na ang best
❤ ❤ ❤

And I Love You - just go on

Traces


"A single lie destroys a whole reputation of integrity"

- natural lang sa isang tao ang umiyak lalo na kapag nagmahal ka ng tunay -

"On the first page of our story
The future seemed so bright
Then this thing turned out so evil
I don't know why i'm still surprised
Even angels have their wicked schemes
And you take that to new extremes
But you'll always be my hero
Even though you've lost your mind"

Hater [ superiority complex ]




Once there was a guy, a girl ask him "bakit sa age mong yan, puro bata kaibigan mo?" and then the guy replied "wala lang, ni-respeto kasi nila ako" and the girl answered "bakit di ka ba nakakakuha ng respeto sa ibang ka-age mo?" and then di na siya sumagot, niyakap na lang niya yung girl, and the girl smiled.

The girl understands kung ano problem niya, nakita naman ng girl yun. He wants superiority, the girl knew it, but di siya kumibo, rather she stays on his side. He told the girl, he got a lot of frustrations in life.

Frustrations leads to insecurities, insecurities turns to hate, hate turns to anger, anger will harm you. The only cure for anger is love, accept love and you will find peace.

Let go of the anger and let love touches your soul.


Sa sobrang galit ng tao, sinisira niya lang sarili niya.
The best thing na mawala ang galit is to show some love.


Oktubre 07, 2011

IM SORRY GOD

Im sorry GOD kung gumawa ako na mali, I know I'm not worthy to receive Your grace, but kung nabasa Niyo eto sana mapatawad Niyo po ako, alam kong may nagawa akong mali this past few days, I hurt someone so dear to me, nasaktan niya rin ako, ako na nagsorry, alam kong mali ginawa ko, kahit di niya i-accept apologies ko ok lang, I know someday he will understand me and forgive me, thank you din LORD sa pagbigay niyo sa akin mahabang pasensiya this past few months, and I hope his mother will become ok and more health to his family, sana wag na siyang mabulag ng galit, LORD I know it's my fault, please GOD help him to become a good man, I know he is a good man. Hindi niya alam mga sinasabi niya, please GOD forgive him, and forgive me. I'm sorry if i hurt your feelings once again, I promise before na di ko na gagawin yun at di ako magalit. GOD you gave me everything a good parents, family, friends, and magandang buhay, someday I will share it to the world kung anu meron ako, someday I will.

GOD I love you so much, I know and I really know it, I'm not worthy to be Your child, all this trials that you gave me, I accept it as my punishment.

Someday GOD, I'm gonna stand and share the world all of the blessings that you gave me. I promise you that GOD.

Hope you can read my blog GOD.

Oktubre 06, 2011

HAPPY - thank you GOD

Thank you GOD for giving me a great family and friends, now I almost forgot about him, unlike sa mga previous relationship ko, it takes a year bago makapag-move-on, pero this time day lang or even a month, siguro dahil sa wala akong masiyadong happy moments sa kanya, kagaya na lang ng mga napuntahan or nakainan, meron man pero how boring kasi siya lang kasama ko, and pag mag-trip pa puro problem pa nadadaanan, naging malaking tulog din pag-lapit, pagyaya sa akin ng mga kaibigan kong lumabas, kaya na lang ng ex ko, [ before aj] na naging close friend ko, hahaha, can't help but laugh, lagi niya akong dinadala sa mga mahabang biyahe, really helps a lot, buti na lang di ko kinabisado number ni aj, kaya nung binura ko sa cell ko, di ko na rin siya matext, at papaputol na ata ni mama yung phone, hehehe sabagay di ko rin alam telephone number niya, even my doctor, they really help me, hehehe, saka buti na lang di ko ginawang maging close sa family niya but I do respect his family, pero di ko na kelangan pang maging close unlike sa mga previous ex ko, buti na lang noon, nagfocus ako sa work, at less sa kanya, kasi alam kong mangyayari eto, and in my mind, nung kasama ko siya before, may nakit ako sa kanya or nabasa, but I'm not a sorcerer or manghuhula, but its kinda weird, nung niyakap ko siya sinabi ko sa kanya na, "hindi tayo magtatagal", hahaha nabasa ko na, and then he said, "siguro dahil sa mga sinasabi mo", ang sabi ko naman, "hindi sayo, sa ugali mo" - I foresee it, but sinabi niya hindi totoo yun, pero di ko naman alam na ganito kabilis yun, hahahaha. Pero pasalamat na lang din ako sa nangyari, now naniniwala akong may guradian angel and it's my mom, when he said he want to marry me, and then I told my mom, kung anunu sinabi niya and nung padating na yung buwan, nag-plan na kami for marriage, kuya ko naman ang pumigil, hahahaha thank you GOD.

Thank you so much GOD lagi kang andiyan sa tabi ko, thank you GOD. I love you so much.

Setyembre 25, 2011

At last!

Sa wakas, may nagawa na ding nakakatuwa, sobrang tigas ng ulo niya, pero at least ngayon may nagawa na din siyang nagpapasaya kay mama at sa pamilya.

Setyembre 09, 2011

Resistance


“ To love is to suffer. To avoid suffering, one must not love. But then, one suffers from not loving. Therefore, to love is to suffer; not to love is to suffer; to suffer is to suffer. To be happy is to love. To be happy, then, is to suffer, but suffering makes one unhappy. Therefore, to be happy, one must love or love to suffer or suffer from too much happiness. ” - Love and Death

Setyembre 08, 2011

Religions

Other hate Muslims,Jewish,Christians and Catholic and etc.
Different religions,different name of Gods.

Before I said to myself, I really hate muslims, because manyak sila,walang galang at gusto nila palagi silang asa top, and they do such a horrible thing like Ji-had or holy war, stoning human woman to death sa public places, even man, pag nahuli nilang nagnakaw, pugutan ng ulo or bitayin sa public places, my dad is working on the middle east, umuwi siya noon sa Pilipinas,para magbakasyon, may pinanood siya sa king video noon, nakita ko kung pano bitayin yung mga lalaki sa public place, four guys, yung pang apat bata pa, sumisigaw, umiyak, I ask my dad, bakit sila bibitayin? Bakit yung isa umiyak? and then he told me, mga magnanakaw sila at yung sinasabi ng isa wala siyang kasalanan, napadaan lang siya, hindi niya kilala yung mga guys na kasama niya, and then binitay na sila, pero yung guy na sumisigaw na wala siyang kasalanan, buhay pa nung tinaggal yung rope, but then sinaksak siya.

My mom, may mga kaibigan siyang muslims, and they are nice but I really don't care and may nakusap akong matanda, nakakatuwa siyang kausap, driver siya ng service ng kapatid ko, his name is Ali or mang Ali.

Mang Ali, is a muslim too, he told me na ayaw niya yung mga ginagawa ng mga kapwa muslim niya, kasi ang totoong muslim hindi daw nanakit, depende na lang daw talaga sa tao yun, yung iba ginagamit pa daw yung Qu'ran. I ask him "totoo ba yung Ji-had?" and he told me "totoo yun, pero hindi dapat yun ginagamit sa pagpatay ng mga inosente, Ji-had ay holy war, ipinaglalaban mo ang Diyos mo, hindi yung sarili at ginagamit ito sa pagpatay." I said to myself parang crusaders, catholic crusaders.

Hindi naman relihiyon ang masama, ang mga taong hindi nakakaintindi sa salita ng Diyos ang masama. Ang mga tao ang masama, ginagamit lang nila ang relihiyon. Sad but true.

Just run !!

you better run fucking retard, 'coz I'm coming, Athena is back, and I'm gonna bring you to crime zone. Just run

Setyembre 05, 2011

Sunny sunday

Sunday morning, nice clear blue sky, me and my family went to Eco Park or La Mesa Eco Park, para mag-relax at mag-pahangin and natutuwa naman ako kasi tagal ko na din na di naarawan. It's like a huge forest pero maraming amenities like swimming pool, wall climbing, pede ka din mag-boating and maglaro ng paint ball.

Pero hindi naman yun ang habol namin, gusto naming makalanghap ng fresh air. Specially ako, mahina katawan ko, masiyado ng nakakahilo ang amoy ng siyudad, quarter to 4, umuwi na kami, pare-parehas na pagod pero, sulit naman kasi nag-enjoy naman kami.

Setyembre 03, 2011

Playroom

So today, this is how my room looks like, ginawa siyang playground or let us say playroom ng aking niece na si Zoe, well after that her dad clean my room. Ngayon ko lang nakita ganito kagulo kwarto ko.

Devil will rise again

here it comes.

Steps

I had enough of the lies, waiting, and crying. After ng gamutan ko, I'm gonna change myself, rebuild a new one.

Step 1: need to cut my hair [I think, or kulayan ko na lang ulit ng black].

like this or

like this one?

Step 2: put some tattoo at my back.
Step 3: ayoko magbigay na ng comment, suggestion or opinion sa buhay ng ibang tao, because na mis-understood lang nila ako.

Step 4: isang sagot sa bawat tanong.

Step 5: wag magbigay ng awa or pakilam sa mga taong lumalapit.

Step 6: ayokong i-attach ang sarili ko.

Step 7: wag sagutin ang mga tawag or text na wala namang kwenta.

Step 8: pag may magpapakilala, iiwasan ko, perwisyo lang sila.

Step 9: hindi ako hingi ng tulong sa ibang tao [except sa family ko]

Step 10: wala akong ibang mamahalin kung hindi yung family ko.

Ayoko ng umiyak, ayoko ng kumibo sa mga taong nagpapaasa, di makaunawa, mapanghusga, di ko kelangan ang mga taong kagaya nila, masarap mabuhay mag-isa walang iniintindi, walang mangingialam.

Back to my old self, I tried to be one of them, inunawa ko sila, natuto akong makipagsaya sa kanila, kahit sa part ko hirap akong makisalamuha or makipag-socialize sa ibang tao, I hate crowds, fancy lights but in the end I will never be like them, being in love is such a sign of weakness.

Wala ng ibang makapagpasaya sa akin, kun'di sarili ko din.


Setyembre 01, 2011

Tristes


Sometimes I ask myself kung masaya ba ako or hindi, yeah I know, di naman kasi ako katulad ng ibang girl na mahilig gumimik till dawn, although before that gumigimik ako and uminom, but the truth is, gusto ko magtravel kung saan-san, specially kung puntahan may magandang view/nature, I love reading books, articles net, I love to sketch and pain, I love listening to jazz, instrumental, classic music, music na makapag parelax ng isip ko, pero nakinig din naman ako ng mga rnb or alternative, yeah I know boring ako, and I've been in love before, nakaranas ng pain marami na, and I do have a bf now, di ko siya matawag na fiance, ewan ko kung bakit, ayoko ng pinagusapan ang kasal, na-experience ko na before, talking about marriage, happy life, reaching some dream kasama yung taong mahal mo, before me and my bf talk about love, family, dream and marriage, pero ngayon ayoko ng pagusapan yun, nalala ko tuloy yung mga tanong sa akin nung mga nanligaw sa akin, "ano ba makapagpasaya daw sa akin", and then sumagot ako wala, wala kahit ano, my co-worker ask me once "masaya ka ba?" she ask me like that because siya rin hindi masaya, again sumagot ako, "hindi, gusto kong maging masaya" she smiled and said, "alam ko ibig mong sabihin, true happiness hinahanap mo, gusto ko rin niyan", tumahimik na lang ako, siguro tama siya, true happiness, na hindi mahanap o mabili sa kahit saan, siguro nga gusto ko yun, may nabasa akong prayer book at may isang poem na nakalagay, at eto yung isa sa mga sentence dun, "money can buy amusement, but not happiness".

When I was a kid, kung hindi ako nagkamali, grade 2 or 3 ako nun, may bestfriend akong tinatawag before, yes she is a girl. Lagi akong nasa house nila, naglalaro, don't want to mention her name na, she's kind, lagi kaming magkasama before, and nagalit lang siya sa akin nun nung time na sinabi ko hindi ko gusto yung baon niya at nakakadiri, kung hindi ako nagkakamali puso ng manok yun, and then she cried, after nun lumayo na siya sa akin, and may iba na siyang kasama, my classmates told me na salbahe ko daw, and then wala ng nakipagusap sa kin nun, meron man pero konti lang, and then I confronted her, and iniwasan niya lang ako, and I remember hinanap ko siya nun before, after ng uwian, kasama niya yung bago niyang kaibigan, and pumunta dunsa house ng new friend niya, kilala ko rin naman kung sino yung girl na yun, at alam ko din ang house nila, and this girl lumabas sa gate nila and she told me na may ginagawa sila, and sinabi sa akin ng girl na yun, "kahit kelan daw hindi naman daw kami naging magbestfriend". So sad, but I never cried. Umuwi na lang ako magisa.

Elementary days, nalala ko, pag fiesta si mama ayaw akong palabasin ng house, they even paid a child para lang makipaglaro sa akin, I tried to be nice to them, pero mas gusto nilang umuwi, nakatira pa ako nun sa Manila, then a few years later nasunugan kami, tumira naman kami sa Caloocan, ayokong lumabas din nun, new neighborhood, hindi ko sila kilala, madalas nila akong tuksuhin na "payatot" or "lampayatot", because ang labo ng mata ko, [elementary days din nung nakilala ko yung bestfriend ko na itinuring ko], itsura ko nun, meron akong black short hair,and my skin is pale like a paper, lagi na lang akong tinutukso and my dad saw me crying and he said, "next time wag kang uuwi dito na umiyak, labanan mo sila kung kinakelangan", pinalo niya ako nun,I'm scared, I decided na lang na maglaro magisa sa loob ng house, my mom brought me a dollhouse at kung anu-anu laruan, masaya na akong naglalaro magisa after nun, and then may nakilala din akong girl in my neigborhood before but she was so mean, lagi niya akong sinasabunutan at pinapagawa yung mga bagay na ayoko, since then I started to fight back even sa school, mas gusto kong nagisa na lang ako.

Highschool days, di maiwasan may mga bully, at siyempre isa nanaman ako sa napzgtri-tripan, and then here it goes again, a mean girl, tahimik lang ako dahil ayoko ng gulo, madalas binabato nila ako ng papel sa sa likod or pinaparinggan, public school pa ako nun, may mga naging kaibigan din ako nun, pero ayokong i-attach yung self ko sa kanila, mga classmate kong lalaki nagpapakilala sa akin even sa ibang section, even the higher one, and then I started to became popular, pero di naman ganun ka-popular I guess, tahimik lang ako nun, mga senior sa amin gusto ako, kinakausap nila ako kasi ang tahimik ko daw, and this mean girl, inaway niya na ako, but I never fight her back, madalas niya ako pahiyain, "feeling ko daw ang ganda-ganda ko" but wala naman akong ginagawa, again I never cried, until my mom decided na ilipat ako sa private school, kasi naging gangster ako nun sa public, madalas akong magcutting, hanggang sa tumiwalag ako sa grupo ko nun, and then they began hunting me, para parusahan daw sa pagtiwalag. Private school days, cousin ko kasi may katungkulan sa private school but di kami close, of course may mga bully naman, 2nd year ako nun, kinukulong nila ako sa cr, mga naging friend ko lang nun is yung mga bagong transfer din, ayaw nila sa akin, dunno why, wala naman akong ginagawang masama once again di ako umiyak, even yung mom ng classmate ko sinabihan ako na "di ka bagay dito, bumalik ka sa pinanggalinan mo, pweh!" once again di ako umiyak, hindi rin ako nagsabi sa mama ko. Nakilala ako sa school nun, sa mga drawing ko, madalas akong nasa angel's hall, or nasa tuktok ng school namin, but I met a few friends there, madalas din isa ako sa mataas sa history,filipino and arts, until naging ok na ako sa school, nakasanayan ko na ang mga tao dun and then I decided to cut my hair short and began to act like a man sa school na yun.

Back to elementary days, I remember, lagi lang nagisa si mama sa house or barong barong namin nun, my mom decided na lumipat sa Quezon city kasi nakabili siya ng kapirasong lupa, and then naiwan kami magkakapatid sa tiyahin ko, tiyahin ko favorite niya ate ko, kuya ko hindi masiyadong umuwi dun, madalas asa barkada siya, and ako hindi ko alam kung bakit mainit dugo sa akin ng tiyahin ko, lagi niya ako pinapagalitan, pinagbintangan din niya ako na ako kumuha ng mga nawawala, at gusto niyang tahiin mga kamay ko, katabi ko ring matulog yung katulong nila, binagsakan niya ako ng 3 vhs sa ulo nun, but once again di ako umiyak sa harapan niya. Umiyak ako pag naligo lang ako, nalala ko din sa sobrang hirap namin nun wala akong baon, kinukupitan ko yung katulong nila, pero pinagsisishan ko rin at itinigil ko din.

College days, walang msakit na ala-ala sa school ko nun, except for my 1st boyfriend, dun ako umiyak ng todo, I cried and begging him not to leave me, my first heartbreak, for years I didn't notice my hair became long, and I decided na magayos na, sabi nga nila lagi akong nagisa nun, nalala ko nun, may isang baklang bata na binu-bully at inaway ng mga classmate niya and then sinaway ko lang sila kasi maingay, ayoko ng maingay, and after nun sinundan na ako ng baklitang bata na yun, at ako ang tinuturo niyang ate, even sa mga highschool haharangin lang ako para sabihan ng "ate ang ganda mo", may mga nanligaw sa akin nun, pero di ko pinapansin, mga childhood kakilala nun, nakita kong ulet pero nagtaka sila at bigla daw nagbago itsura ko nun, nailagay din ang name ko nun ng di ko alam, sa mga contest, pero di ako umaatend, pageant contest, for more than 2 years di ako nagentertain ng mga maging bf ko, naging tahimik lang ako, and then after nun I met my 2nd bf, thought he is the one, I love him we've been dating for 2 years, after that may mga nalaman akong dark secret niya, it breaks my heart and cried a lot again, since then I'm searching for happiness.

And then I met him, my current bf, I love him and umiyak na rin ako para sa kanya, and then I ask myself "kelan kaya ako maging masaya?"

Rainy afternoon, pauwi ako from office, staring outside the window of the bus, singing in my head someone to watch over me, maybe I need someone, who can comfort me, my mom is old, and I'm a lady, I must protect myself, sabi nila love ang makakapagpasaya sa isang tao, my mom loves me, my family loves me, but bakit parang may hinahanap pa akong isang bagay, di ko alam kung anu yun, pero sana makita ko na siya or yung bagay na yun.

I want to be happy.


Agosto 31, 2011

1st procedure

Papalitan nila lahat ng teeth ko, di naman nila bunutin, suotan lang nila "jacket".

Una nilang ginawa is pinainom akong gamot na augmentin and the yung pain killer na flanax after ng one week bumalik ulit ako sa doctor for checkup then saka ginawa ang 1st procedure, tinanggal nila yung old jacket and then pinalabas yung mga bacteria sa gum ko.

Ang masakit na part lang dun is yung anesthesia.



inalis nila yung old jacket ko [see the metal].


teeth ko na walang jacket
[pero nilagyan naman nila ako ng temporary, para di mangilo.]